BAGO

Sa umaga gigising ako, tutulala sa kung saan.
Maaalala ang mga bagay na patuloy na gumugulo sa aking isipan
Pero habang hawak ko ang tasa ng kapeng paulit-ulit kong hinahalikan
Napapaisip ako wala na bang bago?

Papasok ako sa eskwela at makakaharap ang titser kong walang kwenta
Pagtapos ay makakasama ang barkada
At tatambay kahit sa'n man mapunta
May babanat ng joke na hindi nakakatawa
At sabay-sabay hahalakhak ng walang kasawa-sawa
Pag wala nang mapag-usapan biglang magkakatinginan
At muling tatawa na parang walang katapusan

At pagtapos ng masayang araw uwi sa bahay
Balik sa dating buhay
Iisipin kung bakit may mga taong pilit na umeksena sa aking buhay
Aawayin ka dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay
Kahit sinisigaw ng pagkatao kong wala akong pakelam sa kanila
May nasasabi pa rin ako sa mga bagay na pinagpipilitan nila
Wala na bang bago o sa knila dapat may magbago?
Pero naisip mo ba na nabuo ang sulating ito dahil sa pagkabagot ko?





(I made this when we visited on other church. The program started late so I write something about my current problem that day and also prayed for it.
I can t remember the exact date when I wrote this but this thingy was written at the back of my devotional notebook.
As far as I can remember twas two years ago. :D)

No comments:

Post a Comment